Mahigit P400k halaga ng shabu, nasabat sa Taguig City

shabu taguig 1Arestado ang lima katao sa ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. Ususan, Taguig City.

Nagpanggap na poseur-buyer ang isang pulis para bumili ng limang libong pisong halaga ng shabu mula sa target ng operasyon na sina Evelyn Nazario at Lagen Tan.

Nakuha sa kamay ng dalawang suspect ang isang itim na box na naglalaman ng limang sachet ng hinihinalang shabu.

Dinatnan rin ng mga otoridad ang tatlong indibidwal na nagpa-pot session sa loob ng bahay ni Nazario.

Kinilala ang mga suspect na sina Tony Rey Alfonso, Roxan Tiglao, at Rodel Samoy mula sa Pasig City na nakuhanan ng malaking plastic na naglalaman ng mga hinihinalang shabu.

Depensa naman ni Tiglao, nagpunta lamang siya sa naturang bahay para mag-‘home service’ ng masahe kay alyas ‘Tony’.

Kuha ni Cyrille Cupino

Hindi naman itinanggi ng mga naarestong suspek na gumagamit sila ng iligal na droga, pero hindi naman umano sila nagtutulak.

Ayon sa Southern Police District, humigit-kumulang 80 gramo ang kabuuang timbang ng nakumpiskang droga, at aabot sa P400,000 ang halaga nito.

Narekober mula sa mga suspect ang P5,000 na buy-bust money, at mga drug paraphernalia.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga nahuling suspek.

Read more...