Lalong pagbuti ng ugnayan ng Pilipinas at China, ikinatuwa ni Chinese Pres. Xi Jinping

21duterte-xiPinuri ni Chinese President Xi Jinping ang patuloy na gumagandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Sinabi ito ni Xi matapos ang kanilang paguusap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa telepono kahapon.

Ayon kay Xi, lalong tumitibay ang ugnayan ng Pilipinas at China sa lahat ng aspeto.

Napag-usapan at naitakda na rin aniya ang dayalogo at negosasyon tungkol sa isyu sa mga teritoryo sa South China Sea, kung saan tiyak aniyang parehong makikinabang ang magkabilang panig.

Kasama rin sa napag-usapan ng dalawang leader ang isyu sa North Korea, na ikinababahala na rin ng maraming bansa ngayon.

Read more...