Sa mga inilabas na larawan ng Malakanyang, makikita si Pangulong Duterte na may kausap sa telepono katabi si Special Assistant to the President Bong Go.
Sa kabilang linya ay ang pangulo ng China, ayon sa Malakanyang.
Naka-caption sa mga larawan ang pagpapasalamat ni Pangulong Duterte dahil sa tour na ibinigay sa kanya ng mga crew ng Chinese navy ship destroyer na Chang Chun na dumaong sa Davao City kamakailan.
Samantala, ayon naman sa Xinhua News Agency, pinag-usapan ng dalawang lider ang ugnayan ng dalawang bansa at ang sitwasyon sa Koren Peninsula.
Matatandaang matapos ang ASEAN Summit noong nakaraang linggo, nakausap rin sa telepono ni President Trump si Panguolong Duterte at inimbitahan pa na dumalaw sa Amerika.