Ito’y kasunod ng umano’y pang-iinsulto ni Sotto kay Taguiwalo dahil sa pagiging ‘single mother’ nito, sa gitna ng hearing ng Commssion on Appointments o C.A. kaugnay sa appointment ng kalihim.
Sa statement ng Gabriela, kitang-kita anila na lumabis si Sotto dahil sa pagturing nito sa mga tulad ni Taguiwalo na ‘solo parent’ bilang ‘na-ano lamang.’
Giit ng Gabriela, ang solo parents ay hindi dapat na iniinsulto dahil hindi biro ang pinagdadaanang hirap ng mga ito.
Pinuri naman ng Gabriela si Taguiwalo dahil sa pakikipagmatigasan kay Sotto.
Nagbigay anila ang kalihim ng inspirasyon sa maraming babae, at mas lalong nararapat na makumpirma ng Commission on Appointments.