Southwest provincial bus terminal, sisimulan nang ilipat ng MMDA

 

Sisimulan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang unti-unting paglilipat ng Southwest Interim Provincial terminal (SWIPT) mula sa lokasyon nito sa Coastal Mall sa Parañaque City tungong HK Sun Plaza sa Macapagal Blvd.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Tim Orbos, ito’y upang maisaayos na ang naturang terminal at maging ang daloy ng trapiko sa lugar.

Paliwanag pa ni Orbos, makakatipid ng hanggang 1.5 million pesos ang pamahalaan sa buwanang renta sa Coastal Mall sa oras na mailipat na ang terminal sa HK Sun Plaza na pag-aari ng MMDA.

Hindi na rin magbabayad ng terminal fee ang mga provincial bus at mga city bus na hihinto sa naturang terminal.

Titiyakin rin aniya ng MMDA na hindi mahihirapan sa paglilipat ng mga pasahero mula sa mga provincial bus dahil papasok rin dito ang mga byaheng papasok ng Metro Manila.

Read more...