Ex- Boyfriend na nagtangkang mang-‘sextort’ sa dating GF, arestado

 

Naaresto ng PNP Anti- Cybercrime Group ang isang trabahador ng pabrika ng sako sa Marilao, Bulacan matapos ireklamo sa pulisya dahil sa umanoy banta na i-popost ang malalaswang larawan ng dating kasintahan Facebook.

Sa isang entrapment operation sa Araneta Center sa Cubao, nasakote ng PNP-ACG ang suspek na si Reynaldo Morales, 24, tubong Masbate.

Sa reklamo ni Geraline Mapa, 21, tubong Uson, Masbate, nagbanta umano ang suspek na ipopost sa FB ang kanyang mga hubad na larawan kung hindi ito magbibigay ng halagang 17,000 pesos.

Pero paliwanag ng suspek, sa messenger lamang naman niya nai-send ang larawan bilang pagganti umano sa babae dahil nagkaroon na ito ng ibang kasintahan.

Kakasuhan si Morales ng patung-patong na kaso ng rape, illegal possession of bladed weapon, at paglabag sa Sec 6 RA 10175 ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Read more...