Ipinag-utos ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang preventive suspension kay Salazar matapos itong sampahan ng mga kasong administratibo dahil umano sa mga anomalya sa kanyang tanggapan.
Sa kautusan ni Medialdea, isinasaad na layunin ng suspensyon na maiwasang maimpluwensyahan nito ang kahihinatnan ng kanyang mga kinakaharap na kaso.
Una to, inireklamo ng serious dishonesty, gross neglect of duty, grave misconduct, gross insubordination, violation of the Government Procurement Act at violation of the Ethical Standards for Public Officials and Employees si Salazar.
Noong nakaraang taon, hayagang inakusahan ni dating ERC director Franciso Jose Villa Jr. si Salazar na pasimuno umano ng ilang mga iregularidad sa ahensya.
Gayunman, bago pa man masimulan ang imbestigasyon, misteryosong nagpakamatay si Villa.
Mariin naman itinatanggi ni Salazar na may kinalaman siya sa mga ibinibintang na anomalya laban sa kanya.