Gina Lopez, suportado pa rin ng palasyo

 

‘There is life after the cabinet.’

Ito ang naging pahayag ng Palasyo ng Malakanyang matapos i-reject ng Commission on Appointments ni Environment Secretary Gina Lopez.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, , suportado ng palasyo ang anumang susunod na hakbangin ni Lopez.

Iginagalang aniya ng palasyo ang desisyon ng CA.

Tiyak aniya na marami pang talentadong Pilipino ang maaring pumalit sa puwesto ni Lopez.

Read more...