Dating janitor, abogado na ngayon

 

Isa na ring bagong abogado ang dating janitor na nagsilbi sa Commission on Elections na si Ramil Comendador.

Ito’y matapos na maipasa ni Comendador ang 2016 Bar exams at makapuwesto ito sa ika-914 sa listahan ng mga nakalusot sa itinuturing na isa sa mga pinakamahirap na pagususulit sa bansa.

Todo-pasasalamat ang 35-anyos na si Comendador sa Panginoon dahil sa biyayang ito.

Nagsikap siya aniya upang kahit papaano ay mapantayan niya ang achievement ng kanyang misis na isang inhinyero.

Si Comendador ay dating utility worker sa tanggapan ni dating Comelec Commissioner Rene Sarmiento sa pagitan ng taong 2007 hanggang 2010.

Matapos magretiro si Sarmiento, nagtrabaho naman si Comendador bilang election assistant ng Comelec sa Malabon.

Masayang-masaya naman si dating Commissioner Sarmiento sa pagpasa ng dati niyang empleyado.

Sa kanyang social media post, ipinaliwanag ni Sarmiento na si Comendador mismo ang nagpakita ng sigasig sa pagnanais na makatapos ng abogasya kaya;t kanya itong puspusang sinuportahan kasama ng buo niyang staff.

“Today, he is now Atty. Ramil Comendador. Today, I say, ‘I bless the Lord. So great is your faithfulness to Ramil!” Bahagi ng mensahe ni Sarmiento.

Read more...