Bilang ng mga nagugutom na Pilipino, bumaba ayon sa SWS survey

18280714_1378280088902435_1934764664_nKumaunti ang mga pamilyang Pilipino na nagsabing nakaranas sila ng gutom sa unang quarter ng 2017 kumpara sa nakaraang quarter.

Ayon sa Social Weather Stations survey, 11.9 percent o 2.7 million na pamilya ang nakaranas ng gutom isang beses sa first quarter.

Sa fourth quarter ng 2016 ay 13.9 percent o 3.1 million na pamilya ang nagsabi na nakaranas sila ng gutom.

Lumabas sa 2017 self-rated hunger survey na kumaunti ang self-rated poor at ang self-rated non-poor pati ang self-rated food poor at self-rated food non-poor.

Sa self-rated poor, bumaba ang hunger level sa 17.1 percent kumpara sa dating 21 percent.

Habang tumaas sa 20.7 percent mula sa dating 4.2 percent ang self-rated food poor.

Sinabi ng SWS na ang hunger rate sa self-rated food poor ay laging mas mataas kaysa hunger sa self-rated poor.

Ayon pa sa survey, bumagal ang hunger rate sa bansa liban sa mindanao. Sa metro manila, bumaba sa 12 percent ang hunger rate.

Ginawa ang SWS survey mula march 25 hanggang 28 sa 1,200 respondents.

Read more...