Ayon kay Atty. Kapunan, mayroon silang mga sapat na hawak na dokumento upang sampahan ng kasong Graft si Lopez.
Paliwanag ni Atty. Kapunan hindi agad inaaksyunan ni Lopez ang mga reklamong ipinarating ng mga enviromentalist sa tanggapan ng kalihim bagkus ay kanya itong inuupuan.
Partikular na tinukoy nito ang nagpapatuloy pa rin na illegal mining sa ilang lugar sa Zambales at ilang lalawigan sa bahagi ng Mindanao at Visayas.
Pagkatapos ng pagsasampa ng kaso sa Office of the Ombudsman ay magsasagawa naman ng press conference sa isang restaurant sa Quezon Memorial Circle si Atty. Kapunan upang doon ilalatag ang lahat ng mga argumento kung bakit sinampahan ng kasong katiwalian si Lopez.