Top notcher sa 2016 bar exam, mula sa University of San Carlos

supreme-court (Update) Matapos makakuha ng 89.05% na score sa 2016 bar exam, hinirang na top notcher ang graduate ng University of San Carlos sa Cebu City na si Karen Mae L. Calam.

Sumunod naman sa kaniya sa top 2 si Alanna Gayle Ashley B. Khio na estudyante ng Silliman University sa Negros Oriental na nakakuha ng 88.95%.

Nag-tie naman sa top 3 sina Fiona Cristy D. Lao at Athalia B. Liong na parehong mula din sa University of San Carlos na nakakuha ng 88.80%.

Pasok naman sa top 4 si Allana Mae A. Babayen-on ng University of San Agustin na may 88.75%, na sinundan ni Justin Ryan O. Morilla ng Ateneo de Davao University na may 88.40%.

Top 6 naman si Mark Dave M. Camarao ng Northwestern University na may 88.10%, top 7 si Anne Margaret E. Momongan ng University of San Carlos na may 87.80%, at top 8 si Jefferson L. Gomez na mula din sa parehong unibersidad na nakakuha naman ng 87.70%.

Nag-tie sa top 9 sina Nia Rachelle M. Gonzales ng University of Batangas at Marie Chielo M. Ybio ng Silliman University na parehong nakakuha ng 87.50%, habang top 10 si Andrew Stephen D. Liu na may 87.45%.

Mapapansin naman na walang nakapasok sa top 10 mula sa tinaguriang Big 4 universities na De La Salle University, Ateneo de Manila University, University of Sto. Tomas at University of the Philippines.

 

Read more...