Matatandaang 14 na katao ang nasugatan sa nasabing insidente, at ilan sa kanila ang nagtamo ng malubhang pinsala o kaya ay naputulan ng bahagi ng katawan.
Sa ngayon, wala pang inilalabas ang pulisya na anumang detalye tungkol sa mga suspek.
Nilinaw naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde na walang sundalo o pulis na nasaktan sa insidente, taliwas sa report ng SITE Intel Group, na nagsabi rin na inako ng ISIS ang pagsabog.
Una nang itinanggi ng PNP ang ginawang pag-ako ng ISIS sa pagsabog, at sinabing gang war ang tinitingnang nasa likod ng insidente.