Hatol ng CA sa confirmation ni Lopez, ngayong araw ibababa

gina lopezNgayong araw nakatakdang desisyunan ng Commission on Appointments ang confirmation ni Secretary Gina Lopez sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.

Bago mag-tanghali mamaya, ilalagak na ng dalawampu’t limang miyembro ng C-A ang kanilang mga balota na naglalaman ng kani-kanilang mga desisyon.

Malalaman naman ang resulta nito sa plenary session ng bicameral body pagdating ng hapon.

Hanggang sa muli niyang pagharap sa C-A kahapon, marami pa ring isyu ang naibato kay Lopez na pinanghahawakan ng mga kumokontra sa kaniya upang hindi siya ma-confirm sa posisyon.

Matatandaang dalawang beses nang na-bypass ng C-A si Lopez, at ni-reappoint lang siya ulit ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...