Tagumpay ng war on drugs, pinatunayan sa pamamagitan ng “real numbers”

Photo from Comm. Sec. Martin Andanar's Twitter account
Photo from Comm. Sec. Martin Andanar’s Twitter account

Suportado ng numero ang matagumpay na kampanya kontra sa iligal na droga ng Duterte administration.

Ito ang iginiit ng pamahalaan sa idinaos na “Real Numbers PH” symposium at forum sa Ortigas, Quezon City.

Sa datos na inilabas sa idinaos na Real Numbers Philippines, mula July 1,2016 hanggang March 2017, mahigit na 56,000 anti-drug operations ang isinagawa ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Bureau of Customs (BuCor).

Nagbunga ito sa pagkaka aresto ng 64,817 na drug personalities, habang 1.266 milyon na ang sumuko.

Pumalo naman na sa 2,692 ang napatay na mga drug suspects sa war on drugs ng pamahalaan, habang umabot naman na sa 64,817 ang naaresto mula Hulyo ng nagdaang taon.

Kaagapay nito ang pagbagsak din aniya ang krimen sa unang walong buwan ng administrasyon

Sa datos ng PNP, mula July 1, 2016 hanggang Marso 31, 2017 nakapagtala sila ng 427,430 kaso ng krimen, mas mababa ng mahigit 56,868 na kaso o 11 porsyento sa 484,298 na naitala noong July 1, 2015 hanggang Marso 2016.

Ibinida naman ng PDEA na umabot na sa P14.49 bilyon ang halaga ng mga iligal na drogang nasabat ng mga otoridad sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ayon pa kay Lapeña, ang bilang ng nasabat nila ay bumubuo sa 12 percent ng kabuuang bilang ng supply iligal na droga sa bansa, na aabot na sa P120 bilyon ang halaga.

Samantala, nanindigan ang si PNP Director for Operations Camilo Cascolan, na sa 9,432 homicide cases na naitala nila sa unang walong buwan ng administrasyon, 1,847 ang drug related, 1,894 ang non-drug related at 5,691 ang hindi nila alam ang tunay na motibo.

Para mas maintindihan, nagprisinta gamit ang video presentation at graphics ang mga speaker sa okasyon na kinabibilangan nina Cascolan, PDEA chief Isidro Lapeña, Department of Health (DOH) Sec. Paulyn Ubial, at iba pa.

Read more...