Mga detainees ng ‘secret cell’ nagsinungaling sa CHR-Dela Rosa

 

Nagsinunangaling umano ang mga detainees ng tinaguriang ‘secret cell’ ng Manila police District Station 1 sa mga tauhan ng Commission on Human Rights nang magsagawa ang mga ito ng biglaang inspeksyon

Ito ang pahayag ni PNP chief Ronald Dela Rosa sa naunang alegasyon ng mga detenido na sinasaktan at inabuso sila ng mga pulis ng naturang himpilan.

Giit ni Dela Rosa, kinumpirma sa kanya mismo ng mga detainees na hindi totoo ang mga sinabi ng mga ito na hinihingan sila ng pera ng mga pulis ng Raxabago station kapalit ng kanilang kalayaan.

Pagsisiwalat pa aniya ng mga detainees nagawa lamang nila na magsinungaling dahil sa pag-aakalang tutulungan sila ng CHR na makalusot sa mga kasong kanilang kinakaharap.

Mariing itinanggi naman ni Dela Rosa na kanyang pinoprotektahan lamang ang hepe ng Station 1 at mga tauhan ng Drug Enforcement Unit na nasibak sa ni-relieve sa puwesto matapos ang pagkakadiskubre sa sikretong kulungan.

Read more...