Human rights record ng Duterte admin, ipagtatanggol ng grupo nina Cayetano sa Geneva

 

Nakatakdang humarap ang nasabing grupo sa United Nations Commission on Human Rights sa May 8, para sa presentasyon ng human rights record na ginagawa kada tatlong taon.

Ayon kay Cayetano, layon nilang ilahad doon ang katotohanan at “real numbers” kaugnay ng kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Naniniwala si Cayetano na pagkatapos ng presentasyon, mas mabibigyang linaw na ang mga maling impormasyon tungkol sa anti-drug war ng pamahalaan.

Tiniyak ng senador na sobrang komprehensibo ng magiging report ng Pilipinas, at na sasagutin nito ang lahat ng mga ibinabatong kritisismo sa bansa sa loob ng nagdaang taon.

Aniya pa, hinarap nila dito ang mga katanungan tungkol sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Inaasahan na din aniya kasi nilang maraming ibang bansa ang magtatanong sa kanilang team, hindi lang tungkol sa war on drugs, kundi sa planong muling pagpapatupad ng parusang bitay at pagpapababa ng age of criminal liability sa bansa.

Maliban kay Cayetano, itinalaga rin ni Pangulong Duterte si Senior Deputy Executive Sec. Mendardo Guevarra bilang co-head ng delegasyon, at isa naman sa miyembro si Usec. Severo Catura ng Presidential Human Rights Committee Secretariat.

Read more...