Asst. Director, Script Supervisor MJ Balagtas, sugatan sa aksidente sa Laguna

 

Sugatan ang Assistant Director at Script Supervisor na si MJ Balagtas makaraang masangkot sa aksidente ang sinasakyan nitong kotse sa bayan ng Victoria, Laguna, Martes ng umaga.

Sa post ng actor-producer na si Anthony Diaz, sinabi nitong naganap ang aksidente sa Laguna.

Sakay umano ng kotse ang biktimang si Balagtas at apat pang aktor ng pelikulang “Way of the Cross” nang maka head-on collision nito ang isang truck.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Balagtas.

Nakatakdang operahan sa Manila Doctors’ Hospital ang biktima dahil sa tinamong pinsala sa ulo. 

Assistant Director din si Balagtas sa lahat ng pelikulang nito tulad ng “Bubog”.

Si MJ ay anak ng beteranong direktor na si Kaka Balagtas.

Read more...