Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Alejano na hindi pa nakakalap ang Magdalo ng nararapat na bilang para matalakay ng Mataas na Kapulungan, na tumatayong impeachment court, ang Duterte impeachment.
Gayunman, sakaling makamit ang numero, dinis-courage ni Alejano ang mga mambabatas na suportado ang Duterte impeachment na lumantad.
Sa katunayan ay hindi nila pinapirma ang mga ito upang maiwasan ang pressure at harrassment mula sa mga grupong kumakatig sa pangulo.
Sa Kamara, dadaan sa proseso ang impeachment complaint sa komite, pero kung sakaling mapagbotohang hindi sufficient in form o sufficient in substance ang reklamo, hindi ito mai-aakyat sa plenaryo.
Sakaling mai-akyat naman sa plenaryo, kailangan na hindi bababa sa 98 na kongresista ang dapat pumabor sa impeachment complaint upang maipasa ito sa impeachment court o Senado.