Pahayag ni Bato tungkol sa “secret detention cell,” personal niyang opinyon – Palasyo

 

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella bilang reaksyon sa pagtatanggol ni Dela Rosa sa mga pulis na nasa likod ng sikretong selda sa police station sa Tondo, Maynila.

Sinabi kasi ni Dela Rosa na walang problema sa kaniya ang paggamit ng lihim na selda, basta’t hindi sinasaktan o kinikikilan ng mga pulis ang mga detenido.

Nadiskubre ang nasabing “secret detention cell” sa Station 1 ng Manila Police District matapos magsagawa ng raid ang mga tauhan ng Commission on Human Rights.

Una naman nang binatikos ni Sen. Panfilo Lacson ang naging pahayag ni Dela Rosa, na inilarawan pa niyang “incomprehensible” at “very arrogant.”

Sa kabila ng mga ibinabatong pambabatikos kay Dela Rosa, iminungkahi ni Abella na mas makabubuting hintayin na lang muna ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Internal Affairs Service tungkol sa isyu.

Read more...