Problema sa mga bagong train ng MRT ibinunyag ni Poe

MRT new
Inquirer file photo

Sinabi ni Sen. Grace Poe na chop chop o hiwa-hiwalay ang pagbili ng Department of Transportation sa 48 bagong bagon ng MRT 3.

Ayon kay Poe ang kaha ng mga coaches ng train ay gawa ng Dalian Locomotive and Rolling Stock Co. of China, samantalang ang mga makina ay binili sa Germany at sa South Korea naman galing ang signalling system.

Dagdag pa ng senadora na ito rin ang dahilan kaya’t hindi nakapagsagawa ng 5,000 kilometer test run na siyang initial run requirements sa bawat train ng MRT.

Binanggit pa ni Poe ang pagtataka niya kung bakit hindi nakasama si dating Transportation Sec. Joseph Abaya sa mga kinasuhan ng Mmbudsman kaugnay sa MRT contract.

Read more...