“50-50 ang tsansa na makalulusot si Lopez sa Commission on Appointments” -Pacquiao

gina lopezIpinagpatuloy ng Commission on Appointments ang confirmation hearing sa appointment ni DENR Sec. Gina Lopez.

Binigyan ng pagkakataon si Lopez na sagutin ang mga lumutang na isyu laban sa kanya.

Sa isinagawang pagdinig, iginiit ni Lopez na wala siyang nilalabag na batas sa pagpapasara sa dalawampu’t tatlong mining firms and suspensyon ng limang iba pa.

Naniniwala naman si Sen. Manny Pacquiao, chairman ng Committee on Environment and Natural Resources, na “50-50” ang tsansa na makalulusot si Lopez sa CA.

Ito na ang ikatlong beses na humarap si Lopez sa CA panel para sa kanyang kumpirmasyon at ayon kay Pacquiao, bukas na magdedesisyon kung ico-confirm ba o hindi ang kalihim.

Sinabi rin ni Pacquiao na wala siyang kaalaman sa ulat na itinutulak ng political party ni Pangulong Rodrigo Duterte na PDP-Laban ang appointment naman ng abogado na si Mark Kristopher Tolentino sa environment department.

Pagkatapos ng isinagawa kumpirmasyon, humarap sa media si Lopez kung saan sinabi niya na handang siyang tanggapin ang kanyang kapalaran.

Read more...