Mas nakararaming Filipino, hindi nagtitiwala sa Russia at China ayon sa SWS survey

russia mapMas nakararaming Pilipino ang hindi tiwala sa Russia at China, habang pinakapinagkakatiwalaan pa rin ang United States, batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Ito ay sa kabila ng mga hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapabuti ng ugnayan ng Pilipinas sa China at Russia.

Ayon sa Pulse Asia, 63% ng nga Pilipino ang hindi nagtitiwala sa China habang 56% naman ang hindi nagtitiwala sa Russia.

Batay rin sa naturang survey, 79% ang nagtitiwala sa US, na sinundan ng Japan sa 75%, Australia sa 69% at United Kingdom sa 53%.

Nanatili namang tiwala ang 82% sa United Nations at ang 81% sa Association of Southeast Asian Nations.

Isinagawa ng Pulse Asia ang naturang survey sa pamamagitan ng harapang panayam sa 1,200 responents mula March 15 hanggang 20.

Sa panahong isinagawa ito, mainit na usapin ang namataang barko ng China sa Benham Rise.

Read more...