Robredo, nagbayad na ng P8M counter protest fee sa Korte Suprema

OVP
OVP PHOTO

Nagbayad na ng initial na P8M counter protest fee sa Supreme Court na tumatayong Presidential Electoral Tribunal si Vice President Leni Robredo.

Kasama ng kanyang legal team personal na nagtungo si Robredo sa Supreme Court.

Si Robredo pinagbabayad ng PET ng P8,000,000 para sa first installment at P7,439,000 para naman sa second installment.

kinuwestyon ng kampo ni Robredo ang atas ng PET na magbayad sila pero hindi sila nakakuha ng paborableng desisyon

Nauna ng nagbayad ang kalaban ni Robredo sa vice presidential race na si dating Senador Bongbong Marcos ng P36.02M ng first installment noong April 17 para sa kanyang election protest.

P30,000,000 ang kailangang bayaran ni Marcos sa second installment.

Itinakda ng PET ang deadline para sa pagbabayad nina Robredo at Marcos ng second installment sa July 14.

Read more...