P0.70 hanggang pisong rollback sa oil products, epektibo na ngayon

oil hike alexis corpuzMuling magpapatupad ng rollback ang mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produkto ngayong araw.

Sa kanilang abiso, magkakaltas ng 85 centavos sa bawat litro ng gasolina ang Petron, Easter, Phoenix, PTT, SeaOil, UniOil, Eastern at Shell epektibo alas sais ng umaga.

Magbabawas naman sila ng 70 centavos sa halaga ng kada litro ng kanilang diesel.

Magkakaroon rin ng rollback na piso sa halaga naman ng kada litro ng kerosene ng Petron, SeaOil at Shell.

Nauna nang magpatupad ng rollback sa kanilang gasolina, diesel at kerosene ang Flying V kaninang hatinggabi sa parehong presyo.

Read more...