Atong Ang, gustong paimbestigahan ni Aguirre sa isyu ng tax evasion

 

Nais na paimbestigahan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang negosyanteng Filipino-Chinese na si Charlie ‘Atong’ Ang.

Ito ay upang alamin kung posibleng lumabag si Ang sa pagbabayad ng tamang buwis sa kanyang mga pag-aari na mga gambling den na sinalakay kamakailan ng mga otoridad sa Cagayan.

Sinalakay ng mga otoridad ang mga gambling den ni Ang sa mga bayan ng Enrile, Peñablanca, Lasam, Lallo at Tuguegarao City na nag-ooperate sa ilalim ng Meridien Vista Corporation na pag-aari ng negosyante.

Ayon sa kalihim, kanya nang inilapit sa Bureau o Internal Revenue ang hiling na silipin ang mga tax liabilities ng gambling operations ni Ang at mga kumpanyang pag-aari nito.

Sinisilip na rin nila aniya sa Kagawaran at iba pang ahensya ng gobyerno ang pagkakasangkot umano ng negosyante sa mga ‘destabilizers’ na nagnanais na guluhin ang gobyerno.

Bago ang raid, inakusahan ni Ang sina Secretary Aguirre at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na nagbabalak umano siyang ipapatay upang maisulong ang small town lottery operation ng gobyerno.

Read more...