Ito’y matapos tawagan ni Trump ang mga kaalyadong bansa ng Estados Unidos sa Southeast Asia, upang panatilihin ang magandang ugnayan sa pagitan ng mga bansa.
Bukod kay Chan-o-cha, kinumbida rin ni Trump si Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong sa parehong dahilan.
Ginawa ni Trump ang mga imbitasyon kasunod ng pag-imbita niya rin kay Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa US.
Samantala, hindi pa naman tiyak si Pangulong Rodrigo Duterte kung tatanggapin ang imbitasyon ni Trump na bumisita a Washington.
Dagdag ni Duterte, hindi pa ito makapangako na tutungo sa Amerika upang makaharap si Trump dahil nakatakda rin itong pumunta sa Russia at Israel.