PH-China joint military exercise OK kay Pangulong Duterte

 

Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng joint military exercise ang China at Pilipinas.

Sa pagbisita ni pangulong Duterte sa Chinese Peoples Liberation Army Navy flagship destroyer Chang Chun sa Sasa Port Davao City kahapon, sinabi ng pangulo na maaring isagawa ang joint military exercise sa Mindanao region partikular na sa Sulu sea.

Bukod sa China, pabor din ang pangulo na magkaroon ng joint military exercise ang Pilipinas sa Russia.

Sa kasalukuyan, tuloy ang joint military exercise o ang Balikatan exercise sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Read more...