Banta ni Duterte, kung hindi ibabalik ng mga kumpanya sa pamahalaan ang mga lupa, sasabihan niya ang mga mamamayan na okupahin ang mga lupaing pag-aari naman ng mga ito.
Ayon pa kay Duterte, maaring pagpilian ng mga tao ang mga ari-arian na nasa Makati o Pasay City para okupahin.
Binigyan lamang ng pangulo ng tatlong buwang ultimatum ang mga kumpanya para sundin ang kanilang obligasyon.
Samantala, nilinaw rin ni Pangulong Duterte sa talumpati niya kahapon na hindi siya nainis sa pag-okupa na ginawa ng mga miyembro ng Kadamay.
Ito aniya ay dahil mismong ang kaniyan pamilya ay nakaranas ng demolition sa Davao City noong 1949.