Libu-libong trabaho para sa mga Pinoy, pangako ni Duterte

 

Libu-libong trabaho para sa mga Pilipino ang naging pangakong binitiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mensahe sa mga manggagawa sa paggunita sa Araw ng Paggawa kahapon.

Sa kanyang mensahe kahapon para sa manggagawa, sinabi ng pangulo na malaki ang kontribyusyon ng mga ito sa pagpapalakas at pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Dahil dito, nangako ang pangulo na patuloy na poproteksyunan ang kapanakanan ng mga manggagawa.

Nangako rin itong tutuparin ang naunang pangako noong panahon ng kampanya na ipahihinto ang end of contract o ‘endo’.

Gayunman, humingi ito ng kaunti pang panahon sa mga manggagawang apektado ng ‘endo’ dahil kinakailangan pa aniya ng dagdag na pag-aaral ukol dito.

Kinakailangan pa aniya ng kaukulang ‘adjustment period’ sa panig ng mga investors bago maipatupad ng tuluyan ang pagbabawal sa ‘endo’.

Read more...