Dismayado si Sen. Antonio Trillanes sa naging pananahimik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea sa nakalipas na ASEAN Summit.
Sa panayam kay Trillanes matapos dumalaw kay Sen Leila de Lima sa PNP Custodial Center, iginiit nito na pinahina lamang ng pangulo ang paborableng desisyon ng UN Arbitral Tribunal na pabor sa Pilipinas.
Ayon kay Trillanes, ang ASEAN summit sana ang pinakamagandang forum para talakayin ang usapin.
Sa ASEAN Summit, kumpleto aniya ang heads of state na karamihan ay kabilang sa claimant countries sa ilang bahagi ng WPS.
Dagdag pa ng senador, hindi na umano kinailangan pang isa isahing kausapin at puntahan ni Duterte sa kani- kanilang bansa ang mga kapwa nito lider sa ASEAN dahil nasa harapan na niya sana ang mga ito pero sinayang umano ng pangulo ang pagkakataon.