P1.3 Million reward sa makakapagturo sa pumatay sa konsehal sa Hermosa, Bataan

crime-scene-620x413Magbibigay ng P1.3 Million na pabuya ang lokal na pamahalaan sa sinumang makapagtuturo sa suspek sa pagpatay sa noong Sabado sa isang konsehal ng Hemosa, Bataan.

Ayon sa isang saksi, galing sa kanyang bukirin sa Barangay Cataning si Municipal Councilor Danilo Basi nang tambangan ito ng isang armadong lalaki.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang ulo at katawan ang nasabing biktima.

Agad namang tumakas ang suspek kasama ang tatlo pang sakay ang isang kotse.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Basi.

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang motibo ng pagpatay kay Basi na isang kilalang negosyante sa kanilang bayan bago nanalong konsehal noong nakalipas na halalan.

Read more...