Kinilala ng Malacañang ang malaking bahagi ng mga manggagawang Pilipino sa pagsulong ng bayan.
Sa mensahe ng pangulo ngayong Labor Day, hinimok nito ang lahat ng manggagawa sa bansa na magtulungan para sa isang mas payapa at maunlad na Pilipinas.
Tiniyak ng punong ehekutibo na sinisikap ng gobyerno partikular na ng Department of Labor and Employment na makapagbigay ng libu-libong trabaho sa bansa.
Samantala, binigyang diin niya ang malaking papel na ginagampanan ng mga grupo ng manggagawa na nagsusulong ng kanilang karapatan para sa tamang pamamalakad at organisadong pagkilos.
Dahil aniya sa kanilang mga pagsisikap, natitiyak na natatanggap ng mga manggagawa ang tamang sahod, kalayaang magpahayag ng saloobin.
Mamayang hapon, nakatakdang makipagdayologo ang pangulo sa 26 na labor groups sa Davao City kaugnay pa rin ng pagdiriwang sa Labor Day.