Pagbaba ng bilang ng mga tambay ipinagmalaki ng Malacañang

malacanang-fb-07234Ibinida ng Malacañang ang pinakahuling resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na nagsasabing bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, patunay ito na patuloy na nagsusumikap ang administrasyon na mapanartili ang tinatamasang paglago ng ekonomiya.

Base sa SWS survey result noong Marso, bumaba sa 22.9% ang adult joblessness rate samantalang 2.2% na mas mababa sa 25.1% rating noong nakaraang Disyembre 2016.

Inaasahan na anya ng gobyerno ang patuloy na pagbaba ng unemployment rate bunga ng mas pinalakas na pamumuhunan ng pamahalaan sa larangan ng imprasktraktura.

Sa tulong aniya ng “build-build-build” infra campaign ng pamahalaan, matatamasa ng bansa ang tinatawag na “golden age of infrastructure” na magbubunga naman ng milyung-milyong trabaho sa susunod na limang taon.

Dagdag pa ni Abella, sa oras na matapos naman ang mga infrastructure projects ay magreresulta ito sa mas mabilis na daloy ng kalakalan na papabor din sa pagbuti ng ekonomiya.

Read more...