Militanteng magsasaka, nagkilos protesta sa harapan ng Camp Crame

MAGSASAKA SA CAMP CRAME
Kuha ni Ruel Perez

Nabulabog ang mga pulis sa Campo Crame ngayong Labor Day nang sumugod ang nasa 100 mga magsasaka sa harapan ng headquarters ng pambansang pulisya.

Pinangunahan ng grupong Madaum Agrarian Reform beneficiaries Inc. na mula pa sa Southern Mindanao Region ang kilos-protesta.

Kinukondena ng grupo ang kawalan umano ng aksyon ng PNP na bigyan ng protesksyon ang mga magsasaka laban sa umano’y panghaharass ng Lapanday Food Corporation sa Tagum Davao del Norte.

Nakiisa rin sa protesta ang grupo ng Anakpawis sa umano’y marahas na aksyon ng pamilya Lorenzo na gumagamit ng private army para i-harass ang mga magsasaka na tunay na mga may ari ng nasa 149 ektaryang lupain ng Lapanday.

Ang kilos protesta sa Camp Crame, ay isinagawa dalawang araw matapos namang atakehin ng mga rebeldeng NPA ang Lapanday Food Corporation sa Davao del Norte.

Nag-umpisa ang kilos-protesta alas 9 ng umaga kanina at kinakailangang isarado ang Gate 2 upang hindi makapasok ang mga magsasaka.

Kusa naman nagdisperse ang grupo matapos ang isang oras.

Read more...