Duterte, nasa Davao City lang ngayong Labor Day

Pangulong duterteSa Davao City lamang mananatili ngayong araw, Labor Day si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay dahil sa mamayang alas tres ng hapon ay bibisitahin ng pangulo ang Chinese People’s Liberation Army Navy Flagship-Destroyer Changchun sa Sasa Port, Davao City.

Magsasagawa ng Inspection of Honor Guards ang pangulo bago mag tour sa barko.

Pagkatapos nito ay ibibida ng Chinese Navy ang kanilang mga dalang baril at missiles sa pangulo at magkakaroon ng signing sa guest book.

Ito ang unang pagkakataon na dadaong sa Pilipinas ang Chinese Navy simula noong 2010.

Samantala, pagkatapos bisitahin ng pangulo ang barko ng China, dadalo naman ito sa Labor Day assembly sa People’s Park, Palma Gil St., Poblacion District, Davao City bandang 4:30 ng hapon.

Magkakaroon ng dayalogo ang pangulo kasama si Labor Secretary Silvestre Bello III sa labor sector.

Read more...