70 kumpanya, mag-aalok ng trabaho sa Maynila

manila-city-hall1
File photo

Kasabay ng paggunita ng Araw ng Paggawa, daan-daang trabaho ang alok ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa Cityhall parking area sa Natividad Street.

Ayon kay Ms. Eileen Galang, Senior Labor and Employment Officer ng PESO Manila, kalahok sa jobs fair ang animnapung kumpanya at sampung overseas companies na mag-aalok ng daan-daang trabaho na pagpipilian ng mga aplikante o mga naghahanap ng trabaho.

Inimbitahan rin aniya nila ang Social Security System, Government Service Insurance System (GSIS) at National Bureau of Investigation (NBI) para sa mabilisang pagproseso ng documentary requirements ng mga aplikante sa trabaho.

Ang job fair sa City Hall compound ay tugon ng pamahalaang lungsod sa nationwide Mega Jobs Fair ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang job fair ay isasagawa simula alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon mamaya.

Read more...