Driver at pahinante ng DPWH na dinukot ng Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu nailigtas na

DRIVER AT PAHINANTE
CONTRIBUTED PHOTO

Nailigtas ng mga tauhan ng 35th Infantry Battalion ng Philippine Army ang driver at pahinante ng DPWH na dinukot ng mga hinihinalang Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu.

Ayon sa source ng Radyo Inquirer, iniwan ng kanyang mga kidnappers ang mga biktimang sina Alidznur Halis, driver at helper na si Aljimar Ahari ng DPWH 1st District Sulu sa Barangay Bangkay, Patikul.

Nabatid na nabulaga ang mga ASG sa pagdating ng militar dahilan upang iwan ang mga bihag.

Ang dalawa ay dinukot noong tanghali ng April 29, 2017 sa
highway ng Sitio Bauno, Brgy Bangkal, Patikul, Sulu habang nagsasagawa ng proyekto sa lugar ng ASG sa ilalim ni Hatib Sawadjaan.

Itinurn over na sa Joint task force sulu ang dalawa para sa medical examination at debfriefing.

Read more...