Nasawi ang isang beautician matapos siyang masagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Sampaloc, Maynila.
Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Marvic dela Cruz.
Ayon kay SPO1 Christopher David ng Manila Police District (MPD) Traffic Enforcement Unit, tumawid si Dela Cruz sa riles sa may kanto ng Maria Clara at Antipolo streets nang masagasaan siya ng tren.
Agad na nasawi si Dela Cruz sa aksidente.
Ayon naman sa driver ng tren na si Arjon Catura, agad niyang ikinasa ang emergency brakes ng tren ngunit hindi rin ito naihinto agad.
Bigla na lang aniya niyang nakitang tumawid ang biktima sa riles kaya hindi na niya nagawa pang bumwelo sa pag-preno.
MOST READ
LATEST STORIES