Nakuha ni Binibining #19, Rachel Peters ang titulong Bb. Pilipinas Miss Universe sa katatapos lamang na Binibining Pilipinas peauty pageant.
Si Peters, 25-anyos at tubong Camarines Sur ay nakakuha rin ng ilang mga special prize bago ang pinakamimithing korona.
Nakuha rin nito ang Miss Picture Perfect at Jag Denim Queen sa unang batch ng special award.
Sa ikalawang batch, nagwagi naman ito bilang Best in Swimsuit.
Samantala, 2nd Runner-up naman si Bb. #40 Kristel Guelos at 1st runner-up si #32 Charmaine Elima.
Bukod kay Peters, wagi rin sina #15 Maria Angelica De Leon-Bb. Pilipinas International, #22 Chanel Thomas-Bb. Pilipinas Supranational, #31 Katarina Rodriguez-Bb. Pilipinas Intercontinental, #39 Elizabeth Clenci Miss Grand International at #18 Nelda Ibe-Miss Globe.