Ito ang naging reaksyon ni Lorenzana matapos ang walang habas na pag-atake ng NPA sa Davao City na mariin niya ring kinokondena.
Ayon sa kalihim, dito lumalabas ang tunay na anyo ng mga rebeldeng NPA, at napatunayan lang ng mga ito ang nauna na niyang akusasyon na kontra ang mga ito sa kaunlaran, pati na sa mga tao.
Dahil dito, nanawagan si Lorenzana sa mga Pilipino na patuloy na kondenahin ang mga komunistang terorista.
Ang mga ganitong pag-atake din aniya ng NPA ang dahilan kung bakit nagiging kaduda-duda ang kanilang sinseridad sa nagpapatuloy na peace negotiations.
Dagdag pa ni Lorenzana, malinaw na ang gusto lang ng mga komunistang rebelde ay panaigin ang takot at karahasan sa buong bansa dahil ito lang ang alam nilang gawin.
Mistula aniyang puro salita lang ang sinasabi nilang pagnanais na isulong ang kapayapaan sa bansa dahil sa mga krimen na patuloy pa rin nilang ginagawa.
Gayunman, hindi pa aniya huli ang lahat at hinimok niya ang mga rebelde na bitiwan na ang mga armas at “magbalik-loob na sa lipunan.”