Ayon kay TUCP spokesperson Alan Tanjusay, nakapagsumite ang grupo ng 11-point agenda sa pangulo 2 buwan na ang nakakalipas kasama ang kontraktuwalisasyon at dagdag-sahod.
Kasunod nito, umaasa aniya ang grupo ng positibong resulta.
Sinabi rin ni Tanjusay na ikatutuwa ng grupo kung magiging makahulugan at makatotohanan ang surprise gift sa mga mangagawa.
Dapat din aniyang mabigyang-linaw na ng Punong Ehekutibo ang polisya ng kontraktuwalisasyon dahil sa aniya’y taliwas na aksyon ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Kamakailan, matatandaang inilabas ng DOLE ang Department Order 174 na sinasabing nagpapatuloy ng kontraktuwalisasyon sa bansa.