3,000 pulis, ipapakalat sa Maynila para sa mga ikakasang kilos-protesta bukas

PNP TikasHindi bababa sa 3,000 pulis ang ipapakalat sa Maynila upang masiguro ang seguridad sa mga ikakasang kilos-protesta bukas, Labor Day.

Ayon kay National Capital Region Police chief Director Oscar Albayalde, 2,000 opisyal ng Manila Police District kasama ang 1,000 miyembro ng Regional Public Safety Battalion ang ipapaikot bukas.

Maliban dito, magkakaroon din aniya ng 400 dagdag na opisyal upang magbantay dito.

Batay sa ulat, inaasahang mahigit 3,000 miyembero ng Kulisang Mayo Uno (KMU) ang makikiisa sa naturang protesta.

Sasama rin ito ng 5,000 miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na nagsimulang manatili sa Agham Road sa Quezon City kagabi.

Inaasahang magmamartsa ang dalawang grupo sa Don Chino Roces Street malapit sa Palasyo ng Malakanyang sa Maynila.

Ayon naman kay Albayalde, irerespeto ng mga pulis ang karapatan ng mga militanteng grupo upang magkaroon ng mapayapang pagpupulong.

Ngunit, hinikayat rin nito ang mga grupo na gawing mapayapa ang gagawing protest action.

Read more...