Trump, kinumpirma ang pagbisita sa bansa – Palasyo

Trump1Isiniwalat ng Palasyo ng Malakanyang na kinumpirma ni United States President Donald Trump ang pagbisita sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang phone call kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, tumawag si Trump kay Duterte kagabi pagkatapos ng 30th ASEAN Summit.

Sa naturang tawag, napag-usapan ng dalawang lider ang pangako ni Trump sa Ph-US alliance at ang interes nito na mabuo ang magandang working relationship kay Duterte.

Dagdag pa ni Abella, binanggit rin ni Trump na inaasahan nito ang pagbisita sa bansa sa Nobyembre para sa East Asia Summit.

Gaganapin ang East Asia Summit sa Nobyembre pagkatapos ng 31st ASEAN Summit.

Read more...