Sikat na ‘Cafe by the Ruins’ sa Baguio City, nasunog

CAFE BY THE RUINSTinupok ng apoy ng sikat na restaurant sa Baguio City na ‘Cafe by the Ruins’ tanghali ng Linggo.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang 12:04 ng tanghali at umabot ang alarma nito sa ikalawa.

Sinabi naman ni Sgt. Frederic Calama ng BFP-Baguio na mayroon pang mga tao sa loob na kumakain nang magsimula ang sunog.

Pero wala naman aniyang nasugatan sa insidente dahil nagawa ng mga customer at staff na makalabas agad ng restaurant.

Bandang 12:50 ng tanghali nang ideklarang fire out ang sunog.

Ngayon ay patuloy na inaalam ng mga otoridad ang naging sanhi ng sunog.

Read more...