Sundalong bihag ng NPA sa Surigao del Norte, pinalaya na

CPP-NPAPinakawalan na ng New People’s Army ang tatlong buwang bihag na sundalo sa Surigao del Norte kahapon.

Batay sa ulat, naging emosyonal si PFC Erwin Salan ng 30th Infantry Battalion nang makapiling muli ang pamilya sa isang simpleng turnover ceremony.

Kasama ang mga representante ng Barangay Camam-onan sa bayan ng Gigaguit, itinurn-over ng NPA custodial force si Salan sa kaniyang pamilya.

Samantala, dumaan si Salan sa isang medical checkup at lumabas na nasa maayos na kondisyon ito.

Read more...