Ito ang naging laman ng pag-uusap sa telepono ng dalawang lider, bukod sa pagkumpirma ni Trump na dadalo ito sa 31st Association of Southeast Asian Nations Summit sa Nobyembre.
Sa inilabas na pahayag ng White House, nakasaad na nagkaroon ng “friendly conversation” sina Duterte at Trump kung saan kanilang natalakay ang regional security, kabilang na ang banta ng North Korea.
Napag-usapan din ng dalawang lider kung paano nilalabanan ng Pilipinas ang iligal na droga sa bansa.
Inimbitahan aniya ni Trump sa Duterte sa White House para talakayin ang kahalagahan ng United States-Philippines alliance, na ngayon ay nasa positibo nang direksyon.
Ibinunyag ni Duterte ang naturang pag-uusap nila ni Trump sa isang press conference pagkatapos ng 30th ASEAN Summit.
Ayon sa pangulo, hinimok niya si Trump na maging mahinahon at huwag nang makipaglaro kay North Korean leader Kim Jong Un.
Kamakailan ay naglunsad ang North Korea ng ballistic missile sa hilagang bahagi ng Pyongyang kasabay ng pagdalo ng mga ASEAN leader sa summit sa Manila.