NCRPO, itinangging ISIS ang responsable sa Quiapo blast

Quiapo blastItinanggi ng Metro Manila police ang pag-ako ng Islamic State of Iraq and Syria sa nangyaring pagsabog sa isang peryahan sa bahagi ng Quezon Boulevard sa Quiapo, Maynila, Biyernes ng gabi.

Inanunsiyo ng Amaq News Agency na ang rebeldeng grupo ang nasa likod ng naturang insidente.

Ngunit ayon kay National Capital Regional Police office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde, hindi ito maaaring paniwalaan hangga’t wala naipapakitang ebidensiya na sila ang responsable dito.

Aniya pa, stratehiya lang ng rebeldeng grupo ang pag-ako ng mga nangyayaring insidente sa iba’t ibang bansa upang makilala at makakuha ng atensyon.

Dagdag pa nito, walang na-monitor ang pulisya na presenya ng ISIS sa Maynila kung kaya’t naniniwala aniya ito na sa resulta ng imbestigasyon ng Manila Police District na gang war sa lugar ang ugat ng pagsabog.

Samantala, umabot sa labing-apat ang sugatan sa naturang insidente.

Read more...