Fil-Tongan Moala Tautuaa, number 1 draft pick para sa 2015 PBA

inquirer.net file photo

Naging number 1 overall pick sa 2015 PBA draft ang Filipino-Tongan player na si Moala Tautuaa na ginanap sa Robinsons Place Manila.

Napunta ang six foot- seven na si Tautuaa sa koponan ng Talk ‘n Text.

Gayunman, hindi nakadalo si Tautuaa sa draft day dahil kasama ito sa koponan ng Gilas Pilipinas na nagsasagawa ng 3-game exhibition sa Estonia.

Number 2-overall pick naman si National University standout Troy Rosario at napunta sa Mahindra Enforcers o ang dating Kia Carnival.

Nasa ikatlo naman ang Fil-American guard na si Maverick Ahanmisi na napunta sa Rain or Shine habang number four pick si Ateneo guard Chris Newsome na napunta sa Meralco.

Nasa ika-limang pick si NCAA Most Valuable Player Scottie Thompson na napunta sa Ginebra habang nasa ikaanim na pick si Gravo Lanete na napunta sa NLEX Road Warriors.

Ika-pitong draftee si Baser Amer na napunta sa Meralco Bolts habang ikawalo si Norbert Torres na napunta sa Star Hotshots.

Pang-siyam na pick si Art dela Cruz na napunta sa Blackwater Elite habang nasa ikasampung si Glenn Khobuntin na napunta sa NLEX road warriors./ Chona Yu

Read more...