Wikipedia, naka-block sa Turkey

wikipediaNaka-block ngayon sa Turkey ang Wikipedia, isang free online encyclopedia dahil sa laman nitong na nagsasabing
sinusportahan ng nasabing bansa ang terorismo.

Ayon sa Ministry of Transport, Maritime Affairs and Communication, naka-block ang naturang site dahil sa pagiging
source nito ng mga impormasyon kaugnay ng mga grupong gumagawa ng mga smear campaign laban sa Turkey.

Sinabi ng Turkey Blocks, isang internet censorship monitor, na hindi ma-access ang lahat ng language editions ng
Wikipedia simula alas-otso ng umaga, oras doon.

Naka-block ang nasabing site sa ilalim ng isang provisional administrative measure na walang court order pero
ayon sa Turkey Blocks ay inaasahan na lalabas na ito sa mga darating na araw.

Isinagawa ng Information and Communication Technologies Authority ng Turkey ang nasabing pagba-block sa site
ng Wikipedia.

Read more...